Pinahigpit pa ng Police Regional Office 10 (PRO-10) katuwang ang Philippine Army at Coast Guard ang pagbabantay sa nagpapatuloy na 30th Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) National Convention sa Cagayan de Oro.

Ipinahayag ni PRO-10 Spokesperson Police Major Joan Navarro na ipinakatap ng tanggapan ang mahigit 600 pulis—kabilang ang mga in-augment mula sa Bukidnon, Misamis Oriental, at Iligan City—upang matiyak ang kaligtasan ng mahigit 700 delegado at mga prominenteng opisyal ng bansa.

Ayon kay Navarro na kahit walang na-monitor na seryosong banta sa seguridad, kinakailangan pa rin ang mahigpit na pag-alerto sa convention site, mga hotel, at mga transportation hubs tulad ng airport at seaport.

Kaya naman, tiniyak ng kepulisan na mananatiling maayos ang daloy ng naturang malaking kalihokan hanggang sa pagtatapos nito ngayong Biyernes.