CAGAYAN DE ORO CITY -Ipinasara ng mga awtoridad ang isang ilegal na minahan sa Barangay Limonda, Opol matapos maglabas ng cease and desist order ang DENR Region 10.

Ayon kay Task Force Kalikasan at Kalinaw Head Rogelio Labor, mas hinigpitan nila ang operasyon upang tapusin ang pagkasira ng kalikasan.

Nahuli ang isang indibidwal na nag-aayos ng kagamitan sa minahan.

Nakumpiska rin ang 14 ball mill drums bilang ebidensya.

Isasampa ang pormal na kaso sa piskalya.