CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ngayon ni Senador ‘Christopher ‘Bong’ Go si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na huwag nang magtaka na mapabilang sa mga bilanggo ng New Bilibid Prison na makalabas pa.

Ito ang ay upang hindi umano iikli ang buhay ni Sanchez na convicted sa pitong counts ng rape at pagpatay sa mag-aaral na si Eileen Sarmenta taong 1993.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Go na mas makabubuti para kay Sanchez na ipagpatuloy na lamang na pagbayaran ang kanyang nagawa na pagpatay kang Sarmenta at kaibigan nitong si Allan Gomez na kapwa mag-aaral sa University of the Philippines-Los Baños.

Si Sen Bong Go

Inihayag ng senador na tutol ito na palayain pa ang dating alkalde dahil hindi man lamang ito humingi ng executive clemency mula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos binisita nito ang mga biktima ng mga nasunugan sa dalawang barangay kung saan namimigay ng tulong pinansyal at grocery items sa Cagayan de Oro City kagabi.

Magugunitang umani ng kaliwa’t kanan na magbatikos mula sa iba’t-ibang sektor ang pahayag ng Department of Justice nang sinabi nito na kabilang si Sanchez na makakalaya dahil sa tinawag na good conduct time allowances sa loob ng kulungan.