CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtala ng pinakaunang death case partikular sa isang senior citizen matapos natukuran gamit ang Astrazeneca vaccine habang isinagawa ang simultaneous vaccination rollout sa SM Premier sa Cagayan de Oro City kaninang umaga.

Ito ang kinompirma ni City Health Cluster head Dr William Bernardo na nakatutok sa city vaccination rollout para sa senior citizens na mga residente sa syudad.

Kinilala ang biktima na si Zoilo Borcillo,73 anyos na nakatira sa Barangay Agusan sa lungsod.

Inihayag ni Bernardo na lumipas pa ang ilang minuto matapos naturukan ng bakuna ang biktima bago nakaramdam nang biglaan na pagsikip ng kanyang hininga kaya agad isinugod sa pagamutan subalit ito ay dead on arrival na.

Natuklasan na ang biktima mayroong comorbidities o may mga karamdaman na iniinda kaya mayroong medicine maintenance.

Si City Health Cluster head Dr William Bernardo

Kaugnay nito,ikinalungkot naman ni City Mayor Oscar Moreno ang sinapit ng biktima na kanya ring kakilala dahil dating nagsilbing city schools division official ang maybahay nito.