Mahigpit at pinaiigting ng kepulisan ang seguridad sa lahat ng terminal, daungan, at paliparan sa Cagayan de Oro laban sa mga magnanakaw mula ngayong Undas hanggang sa pagsapit ng Pasko.
Ibinunyag ni City Councilor Roger Abaday, Chairman ng Committee on Police, Fire, and Public Safety, na ipinwesto na ang mga undercover at nakasermong pulis sa Agora, Westbound Terminal sa Bulua, at sa mga sakayan upang habulin ang mga nagsasamantalang kriminal.
Ipinaliwanag ng konsehal na dahil sa pagdagsa ng libo-libong pasahero, mas itinutok ng mga awtoridad ang pagsugpo sa mga modus ng pagnanakaw sa bawat lugar.
Dahil dito, nanawagan ang tanggapan sa publiko na mag-ingat at talagang ingatan ang kanilang mga gamit upang hindi maging biktima sa kalsada.











