Kinumpirma ng exorcist ng Archdiocese of Cagayan de Oro na ang mga naitalang kaso ng pagpapakamatay, pamamaril, at ang pag-atake ng demonyo sa mga estudyante sa mga paaralan sa rehiyon ay hindi lamang purong psychological kundi sintomas ng masamang espiritu.
Ibinunyag ni Fr. Jun Balsamo Jr. na ang kakulangan sa aruga ng pamilya at ang pagpapagamot sa mga albularyo at quack doctors ang mas nagbubukas ng pinto upang pumasok ang demonyo sa isang tao.
Ipinaliwanag ng pari na kapag may napansin na biglaang pagbabago sa kilos, dalawang institusyon lamang ang kinakailangang puntahan ng publiko: ang siyensya sa pamamagitan ng mga doktor at ang pananampalataya sa pamamagitan ng Simbahan.
Hinimok ng simbahan ang taumbayan na ibalik ang kumpisal at pagsisimba upang maprotektahan ang bawat isa laban sa masamang elemento.











