CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) na hindi pa sila nabibigyan ng permit ng National Telecommunications Commission upang ipatupad ang city wide signal jamming para sa nalalapit na Pista o Higalaay Festival nitong lungsod

Inihayag ni Police LtCol Evan Viñas, tagapagsalita ng COCPO, na kailangan nila ng pormal na “go signal” mula sa NTC upang pilitin ang tatlong kumpanya ng telekomunikasyon, tulad ng GLOBE, SMART at DITO na putulin ang kanilang mga signal sa network sa pagdaraos na Higalaay Street Dancing sa Agosto 27 at Higalaay Civic Military Parade at Fluvial Parade sa Agosto.

Maliban dito, inabisuhan din ng COCPO ang lahat ng vloggers na iwasan ang pagpapalipad ng DRONES nang walang pahintulot mula sa kanilang opisina.

Ayon sa pulisya, karaniwang ginagamit ang drones at cellphone signal bilang mga modernong armas ng mga terorista sa detonate ng bomba gamit ang cellphones.

Habang ang mga drones naman ay kagamitan sa pag-atake at pagsubaybay.

Sinabi ni Vinas na sasampahan nila ng kasong kriminal sa sinumang mumabag nito.