CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda ang simbahang katolika ng archdiocese of Cagayan de Oro na pipigilin ang anumang hakbang sa pagpapatayo ng casino nitong lungsod.

Ayon kay Msgr. Precious Cabunoc, rector ng Sr. San Agustin Metropolitan Cathedral, labag sa saligang batas at nakakasira sa moral ng tao ang pagsusugal.

Aniya, bagamat nakakatulong sa ekonomiya, kokontrahin pa rin ng mga pari ang plano ng mga malalaking malls na mapatayo ang bisyo na nakakasira sa tao.

Kung matatandaan, naging aktibo noon ang dating archbishop Jesus Tuquib sa kampanya laban sa pagpapatayo ng mga casino kung saan naganap ang isang malawakang rally.

Sinuportahan ang arkidiyosis ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor, mga mag-aaral at ng mga human rights activist sa lungsod.