CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas sa anumang criminal liabilities ang nagbitiw sa kanilang katungkulan na sina dating Philippine Military Academy Supt Army Lt Gen Ronnie Evangelista at Commandant of Cadets Brig Gen Bartolome Vicente Bacarro.
Ito ay kahit napabayaan ang ginawa na pagmaltrato ng ilang mga kadete nang yumaong si Cadeth 4th Class Darwin Dormitorio sa loob ng PMA premises.
Ginawa ni Baguio City Police Office Director Col Allen Rae Co ang paglilinaw kaugnay sa nakatakdang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa pitong upperclass men ni Dormitorio at dalawang PMA hospital doctors.
Inihayag ni Co na labas na sa kanilang imbestigasyon sina Evangelista at Bacarro subalit hindi sila makakaligtas sa obligasyong administratibo dahil sa prinsipyo ng command responsibility.
Dagdag ni Co sa Bombo Radyo na bagamat pinasalamatan nito sina Evangelista at Bacarro dahil sa ginawa na pagbubukas-pintuan ng PMA para magkaroon ng komprehensibong imbestigasyon ukol sa nangyari kay Dormitorio.
Tinukoy ng opisyal na kabilang sa kakasuhan ay sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao, Cadet 3rd Class Shalimar Imperial,Cadet 3rd Class Felix Lumbag Jr;Cadet 3rd Class Julius Carlo Tadena, Cadet 3rd Class Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias,Cadet 3rd Class John Vincent Manolo maging sina Army Capt. Flor Apple Apostol at Army Major Maria Ofelia Beloy na nagmula sa PMA Station Hospital.
Kaharapin ng mga kadete ang kasong paglabag sa anti-hazing law and or murder dahil sa nangyari na ilang beses na pagmaltrato kay Dormitorio hanggang bawian ng buhay noong Setyembre 18 ng madaling araw.