Ipinahayag ni Majority member Konsehal Jing Daba ang kanyang personal na opinyon at karanasan sa loob ng 85-taong gulang na City Hall bilang dahilan sa pagbibigay ng suporta sa 8.5 bilyong pisong loan para sa bagong Government Complex.
Isinalaysay ng opisyal ang personal na obserbasyon na peligroso na ang mga pasilidad tulad ng sira-sirang aircon at hindi pantay na mga tayls kung saan ilang beses na ring muntik mahulog ang mga gumagamit ng hagdanan.
Subalit pinalagay ng konsehal ang loob ng oposisyon sa pamamagitan ng paglilinaw na hindi sabay-sabay na ilalabas ang buong pondo kundi paunti-unti itong ipagkakaloob ayon sa bawat yugto ng pagpapaunlad.
Dahil sa ipinahayag na pananaw, nanawagan ang opisyal na isantabi na ang politika dahil ayon sa kanya, “Cagayan de Oro needs a new home, move on na ta” para sa mas magandang serbisyo sa lungsod.











