Inaasahang magbubukas ng karagdagang pag-unlad sa ekonomiya, turismo, sports, at negosyo ang naisagawang Sisterhood City Agreement sa pagitan ng Cagayan de Oro at San Juan City.
Ipinahayag ni City Information Office Information Officer Jade Adeser na walang perang sangkot sa naturang nilagdaang kasunduan kundi ang pagpapatibay ng pagkakaibigan at pagpapalitan ng magagandang pamamaraan sa pamamahala.
Sa pamamagitan nito, magpapatuloy ang naturang pagkapatid ng dalawang lungsod kahit sino pa ang maging lider sa mga darating na taon.
Dahil dito, nananatiling may tiwala ang dalawang panig na makagagaya at makatututo sa bawat isa upang mapaunlad ang mga programa para sa ikabubuti ng mamamayan.











