CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang dudurugin ng Bureau of Customs (BoC) Cagayan de Oro ang multi-million na halaga ng imported cigarettes na tangka ipalusot sa Mindanao Container Terminal ng Tagoloan,Misamis Oriental.
Ito ay matapos naharang ng Customs Intelligence Service ng BoC ang pagdaung ng 25 milyong piso na halaga ng sigarilyo na umano’y nagmula pa ibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni BoC-CdeO collector John Simon na ilalantad nila sa publiko ang buong detalye ng kontrabando nitong araw.
Sinabi ni Simon na nararapat na wawasakin lamang ang nabanggit na mga kontrabando upang hindi na maari pang magagamit ng mga sindikato.
Hindi pa nabigay kompirmasyon rin ang opisyal sa ulat na Chinese businessman ang may-ari ng kontrabando na umano’y mayroong koneksyon ng ilang local politicians ng Misamis Oriental.
Kung maalala,noong nakaraang buwan ay nasa 40 milyon piso rin ang winasak ng Customs na smuggled na sigarilyo mula sa China na kanilang naharang ipinalusot sa daungan ng lalawigan.