CAGAYAN DE ORO CITY-Kinalampag na ngayon ni Mindanao Container Terminal collector John Simon ng Bureau of Customs (BoC) ang pamahalaang Korya kaugnay sa natirirang mga basura na ipinalusot ng kompanyang Verde Soko Philippines na maaalis na ito palabas sa Misamis Oriental.
Ito ay matapos nangangamba si Simon na mauubos lamang ang mga basura dahil sa sunog na magdudulot ng mas malaking pinsala sa kalikasan at kalagayan ng mga pangangatawan ng mga residente sa lugar.
Ginawa sa Bombo Radyo ng opisyal ang pahayag dahil tila nag-uugat ang apoy mula sa presensiya ng methane gas na kadalasan makikita sa nagtatambak na mga basura.
Sinabi ni Simon na kailangang tutuparin na South Korean government ang kanilang ipinangako nang nakig-bilateral agreement sila sa Pilipinas sa usapin ng mga basura noong Hunyo 8,2019.
Magugunitang una nang pinaghinalaan na sinadya ang pagkasunog ng mga basura lalo pa’t mga ebedensiya ito sa kasong kriminal ng tatlong Koryano at limang Pinoy na itinurong nasa likod ng malawakang pagpupuslit.
Napag-alaman na dumating ang higit libo na tonelada ng mga basura sa Sitio Bugwak,Barangay Sta Cruz,Tagoloan ng lalawigan noong Hulyo 2018.