CAGAYAN DE ORO CITY – Maglalabas ng total ban ng imported garbage ang South Korean government hindi lamang sa Pilipinas subalit sa maging ibang mga bansa.
Ginawa ni South Korean Ministry of Environment Director General Jung Young-dae ang katiyanak nang magkaroon ng bilateral meeting ang Pilipinas at South Korea sa mismong bisinidad ng Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan,Misamis Oriental nitong linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni MCT collector John Simon na ang kautusan na inilabas ng Youuhg-dae ay kabilang sa marami na napagkasunduan ng dalawang bansa upang hindi na maulit ang pagkapuslit ng mga basura na pagmay-ari ng Verde Soko Philippines Incorporated sa bayan ng Tagoloan noong Hulyo 2018.
Sinabi ni Simon na pinagsisikapan rin ng dalawang bansa na maibalik na sa mas madaling panahon ang higit limang libo na toneladan ng Verde Soko garbage sa loob ng buwan na ito.
Magugunitang sumipot rin ang ilang opisyal ng Verde Soko kung saan tiniyak nila na sila ang sasagot sa re-bagging ng mga basura papasok sa MCT para mas mapadali ang pagsakay nito ng South Korean carg vessel sa Hunyo 30 nitong taon.