CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinatupad ngayon ng gobyerno ang ‘day of mourning’ kaugnay sa walong pagsabog ng mga bomba sa mga simbahang Katolika at ilang hotel sa kabisera sa Colombo,Sri Lanka.
Ito ay matapos patuloy ang paglobo ng mga residente at ilang banyaga na napabilang sa mga nasawi nang sunod-sunod na pinasabog ang mga bomba sa ilang Catholic churches at five star hotels noong ipinagdiriwang ang Linggo ng Pagkabuhay.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Pinay worker Lorna Hettiarachy na residente na nagmistulang ‘ghost town’ ang sentro na bahagi ng bansa dahil sa sobrang takot ng mga residente.
Sinabi ni Hettiarachy na nakapag-asawa ng Sri Lankan na mahigpit ang abiso ng gobyerno na hindi sila basta-basta lalabas ng bahay dahil kalit ang mga bomba sa pampublikong lugar.
Una nang apektado ang kanilang mga kilos dahil sa ipinapatupad na curfew sa magkaibang oras ng araw at gabi para hindi malagay sa peligro ang mga tao sa mga lugar na maaring pinagtaniman ng mga bomba.
Kumbinsido rin ang mga otoridad na hindi umano localize subalit mayroong kaugnayan sa international terror groups ang nasa likod ng series of bomb explosions sa Sri Lanka noong Abril 21,2019.
Magugunitang nasa 290 katao na ang nasawi dahil sa mga pagsabog ng mga bomba habang nasa higit 500 pa ang sugatan.