CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay sa madugo na labanan ang sub-leader ng teroristang Dawlah Islamiyah na mga natitirang miyembro nang napulbos na Maute-ISIS sa Brgy Guimba,Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ay matapos natunton ng tropa ng gobyerno ang hideout ng mga terorista nang magsumbong ang mga sibilyan dahil sa takot na madamay kung sakali na maabutan ng militar o pulisya.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 1st ID,Philippine Army spokesperson Capt Clint Antipala na kinilala ang napatay nang pinag-isang operasyon na si Usop Nasif na mas kilala sa pangalan na Abu Asraf na siyang next in command ng kasalukuyang pinuno ng Dawlah Islamiyah na si Abu Zacaria na tauhan naman ni Abu Dar na unang napatay ng goverment forces noong nakaraang mga taon sa Lanao del Sur.
Inihayag ni Antipala na batay sa impormasyon mula kay 103rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Jose Maria Cuerpo na ang grupo ni Abu Asraf ang nasa likod pagpatay tig-tatlong sundalo at pulis bilang kanilang paghihigante sa gobyerno sa loob lamang ng taong ito.
Sinabi ng opisyal na dinala pa sa pagamutan si Nasif subalit nabawian na ng buhay habang sugatan naman ang asawa nito at nasa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City.
Kinompirma rin ng AFP na isa sa kanilang sundalo ang sugatan habang pito ang mula sa mga pulis na naisugod rin sa katulad na pagamutan.
Magugunitang apat na teams ng PNP at isang platoon din ang mga sundalo ang lumusob sa hideout ng mga kalaban dahilan na tumagal ng kalahating oras ang bakbakan bago tuluyang napatay ang isa sa mga pinuno ng mga terorista.