CAGAYAN DE ORO CITY – Direktang pagtugon ng mga pinaka-ugat na mga suliranin at hindi patuloy na panggigipit ng gobyerno sa marginalized sector kung nais mawakasan ang kilusang armado na ipinakalat ng Communist Party of the Philippines na mayroong arm wing na New People’s Army sa kabundukan.
Ito ang sagot at tila hamon ng grupong National Union of People’s Lawyers (NUPL) kaysa ipagmalaki pa ng pamahalaan kung ano na ang nagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na diretsahang humarap sa inilabas na mga propaganda sa mga kanayunan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni NUPL President Atty. Ephraim Ortez na tila supression at repression ang dala ng NTF-ELCAC kaysa umano’y totoo na pagsagot ng mga problema ng lipunan na nagamit sa mga isyung sosyal.
Sinabi nito na hindi pa kumbinsido ang grupo ng mga abogado sa pinag-mayabang na outputs ng task force hangga’t umu-usbong pa ang armadong pakikibaka dahil naghahanap ng tunay na pagbabago at kaunluran ng bansa.
Magugunitang matagal nang inaakusahan ng gobyerno na gumamit ng legal fronts ang CPP-NPA na humawak ng mga posisyon sa kamarabaha gamit partylist representatations.
Mismo pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na ang mga partylist na kinabilangan ng Kabataan,Bayan Muna,Anakpawis,ACT Teachers at Gabriela ang iilan sa mga grupo na ginamit ng CPP-NPA.
Subalit ang nabanggit na paratang ay makailang beses na rin itinanggi at pinabulaanan ng mga grupo na tinukoy ng gobyerno.