CAGAYAN DE ORO CITY – Iminumungkahi ngayon ng dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Atty Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng national summit on criminal justice system sa bansa.
Ito ay upang matalakay ang mga panibagong mga proseso para mapabilis ang mga pagresolba ng mga kaso sa korte.
Ginawa ni Roque ang pahayag kaugnay sa natagalan na pagbaba ng promulgasyon sa kasong multiple murder laban sa pamilyang Ampatuan na nasa likod ng 58 katao na nasawi kung saan 32 rito ay mga kasapi ng mga mamahayag noong Nobyembre 23, 2009.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Roque na dapat magkaisa ang tinawag na five pillars ng criminal justice system upang gagana ang sistema ng hudikatura partikular sa mga pagre-resolba ng mga malalaking kaso ng bansa.
Magugunitang tinawag ng abogado na napasabak sa sistemang bulok na hudikatura ang bansa kaya natatagalan ang mga pagbaba ng mga mahalagang mga hatol sa mga kaso.
Kung maalala,naiinis ang mga pamilya ng Maguindanao masaker dahil nakaabot na sa 10 taon ang paglilitis ng kaso ay hindi pa rin nahatulan ang tunay na mga kriminal. masaker