CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang umanoy isang supporter ng NPA at asawa nito matapos pagbabarilin ng dalawang mga lalaki sa Purok 3 Sto. Niño Talakag, Bukidnon kaninang alas 11:30 ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Raul Ganihay, 54, alyas kumander Raun at Jocelyn Ganihay, 49.

Base sa mensaheng ipinadala ni Bukidnon Provincial Police Office Director Col. Roel Lamiing, galing Brgy Poblacion sa naturang bayan ang mga biktima at sa kanilang pag-uwi habang nakasakay ng motorsiklo ay biglang pinaulanan ng bala ng hindi nakilalang mga responsable.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan at inaalam ang motibo sa naturang insidente.