CAGAYAN DE ORO CITY– Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Surigao City, sa ganap na 10:03 ngayong gabie.

Sa abiso ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 km ng amihanang bahagi ng Surigao City.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometros.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity 2 sa Bislig City at Intensity 1 ang Cagayan de Oro at Cebu City bunsod ng nasabing pagyanig.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock na maidudulot ang lindol. (Phivolcs)