CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang rape suspect matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang isinagawa ang drug buy-bust operation sa Purok San Roque, Brgy Tenazaz, Lala, Lanao del Norte.

Kinilala ang napatay na si Ricardo Pestañas, 51, na residente sa Cabasagan sa naturang bayan.

Sinabi ni Lala Municipal Police Station Commander Major Jonan Bañas na nakamalay umano ang subject na pulis ang kanyang ka-transaksyon kayat bumunot ng baril at nagpaputok ngunit walang tinamaan. Agad naman umanong gumanti ang mga otoridad.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit ideklara ng mga doktor na dead on arrival.

Ayon kay Major Bañas mismo ang anak pa umano ng suspek ang ginahasa nito bago mangyari ang madugong operasyon.