Nilinaw ni LTFRB Region 10 Director Aljo Bendijo na permanente na at hindi provisionary lamang ang bagong ipinatupad na taas-pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Dahil dito, kahit magbago-bago o bumaba ang presyo ng gasolina sa merkado, mananatili pa ring batayan ang naturang bagong singil sa pamasahe.
Batay dito, itinaas na sa 65 pesos ang flag down rate ng traditional taxi habang pinaalalahanan ang mga drayber at operator na ipaskil ang pormal na matrix bago ipatupad ang pag-recalibrate sa mga metro.
Ipinalwanag din ng opisyal na mananatili pa rin sa 13.50 pesos ang bawat kilometro at 2 pesos sa bawat minuto ng biyahe batay sa lumang sistema.











