CAGAYAN DE ORO CITY – Kasado na ang pagsagawa ng mga taga – Cagayan de Oro at mula sa mga kalapit na lugar sa Hilagang Mindanao para sa Takbo para sa West Philippine Sea na inisyatiba ng Philippine Coast Guard-Manila na isagawa nitong syudad bukas ng madaling araw.
Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tristan Tarriela na ang fun run na ito ay pagpapakita kung gaano magbigay pahalaga ang taga-Northern Mindanao sa tinahak na foreign policy ni President Ferdinand Marcos Jr pagdating sa usapin ng mga isla na inagaw ng China.
Ayon sa opisyal na paraan ito upang matulungan rin ng mga taga-Mindanao ang isinulong ng national government na proteksyonan ang mga sakop na teritoryo na pinag-ugatan ng mga pisikal na atake ng Tsina sa tropa ng Pilipinas.
Dagdag ni Tarriela sa pamamagitan nito ay mapukaw ang damdamin ng professional at non-professional runners ukol sa pagmamahal ng bansa na nalagay sa malaking pagbabanta.
Magugunitang mula sa Maynila,dumako sa Cebu patungo sa Cagayan de Oro habang makisali na rin ang mga taga-Dapitan City at syudad ng Baguio dahil sa magandang layunin ng Takbo para sa West Philippine Sea.