CAGAYAN DE ORO CITY – Napawi ang takot ng mga residente matapos kinompirma ng local health officials na negatibo sa sintoma ng corona virus ang Pinay worker mula Macau City,China pauwi sa Marawi City,Lanao del Sur.

Ito ay kaugnay sa kumakalat na impormasyon na napasukan ng corona virus ang Lanao Sur dahil sa nasabing Pinay worker na umuwi mula China noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincia Health Officer Dr Alinader Minalang na totoo na nakaranas ng lagnat ang OFW subalit hindi naman ito maidugtong sa sintoma ng bayrus.

Katunayan ay itinuring lamang nila na person under monitoring ito dahil hindi man naipasok sa pagamutan upang isailalim sa 14 days incubation period.

Si Lanao del Sur Provincia Health Officer Dr Alinader Minalang
Si

Kaugnay nito,tiniyak ng opisyal na nakahanda ang buong lalawigan na pigilan makapasok ang bayrus dahil lahat ng mga may history ng foreign country visit ay kanilang kinunan ng mga impormasyon alinsunod sa kautusan ng gobyerno na magmatyag.