Nakarating na sa lalawigan ang tatlong 40-footer container vans na naglalaman ng iba’t ibang medical supplies para sa mga provincial hospital ng Misamis Oriental.

Ibinunyag ni Ekonomista at Former Vice Governor Joey Pelaez na mula sa Estados Unidos ang mga naturang kagamitan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Children’s International Philippines Incorporated at Development Center for Future Leaders.

Sinimulan na ang pag-sort ng mga kargamento sa bodega kasama ang Provincial Health Office upang i-turnover sa walong ospital ng lalawigan sa susunod na linggo.

Inaasahang malaki ang maitutulong ng mga naturang kagamitan sa pagprotekta at paggamot sa mga pasyente lalo na ang mula sa maliliit na komunidad.