Naniniwala ang dating Vice Governor at MASADA National Convenor for Education na si Joey Pelaez na nasira na ang tiwala ng mamamayang Pilipino sa katarungan at gobyerno ng bansa dahil sa hindi patas na pamamaraan ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Nilinaw ng opisyal na malinaw na ginawang laruan ang batas nang i-drop ng prosecution panel ang tatlong artikulo sa kaso.
Samantala, ipinahayag ng lider na isinantabi ang tunay na hirap ng bansa at ang paghahanda sa mga kalamidad nang unahin ang politika.
Dahil dito, binatikos ng ekonomista ang tila malinaw nang sira na integridad ng sistema ng katarungan sa bansa.











