CAGAYAN DE ORO CITY-Halos hindi makapaniwala si Ana Maria Kim Ramos Vallente na mapabilang siya sa Top 3 sa lumabas na resulta ng Nursing licensure exam nitong taon.
Ayon kay Vallente, makailang beses rin ipinagpaliban ang pinakahinihintay nilang pasulit kayat subrang saya niya na natuloy rin ito at nag top 3 pa.
Aniya, kasama ng kanyang mga kaklase ay gusto na nilang maging kabilang sa frontliners para makatulong labanan ang kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa.
Si Vallente ay nagtapos sa kursong B.S Biology, pumasok bilang volunteer sa Year of Service sa kanyang Alma mater na Xavier University Ateneo de Cagayan ng dalawang taon bago napagpasyahang mag enroll sa Capitol University upang tuparin ang una niyang pangarap na maging isang nurse.