CAGAYAN DE ORO CITY-Naaresto sa isinagawang joint operation ng mga police at militar ang ‘top ranking communist terrorist’ sa Northern Mindanao sa Purok 3, Brgy San Manuel, Lala, Lanao del Norte.

Kinilala ang nahuli na si Teresita Lapuz Naul alyas TESSIE, Secretary ng Regional White Area Committee, North Central Mindanao Regional Committee.

Hinuli si Naul sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Destructive Arson at 2 counts of Kidnapping and Serious Illegal Detention.

Sinubukan pa umanong magtago ng suspek sa naturang lugar ngunit natuntun pa rin siya ng tropa ng gobyerno kayat hinuli.