CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng pulisya na mananatiling ligtas ang lahat ng mga arsobispo na dumalo sa taunang plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na isasagawa sa Cagayan de Oro City nitong linggo.
Ginawa ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro ang katiyakan matapos naparito na ang mga kumakatawan kay Santo Papa Francisco ng Vaticano na Papal Nuncio of the Philippines Archbishop Charles Brown at Vatican’s Secretary of States Archbishop Paul Gallagher sa bisinidad ng Northern Mindanao region.
‘Iyong security plan, naka-design iyan na hindi malusutan o mga ibang threat groups talaga.Iyon talaga ang misyon natin na maging peaceful at succesful ang assembly considering na naparito ang malalaking personalities ng CBCP participants.’
Sinabi ni Navarro na maliban sa friendly government forces ay mahigpit rin ang kanilang koordinasyon ng local government units ng Malaybalay City na pinuntahan ng dalawang Vatican officials at mismong city government ng Cagayan de Oro kaugnay sa ika-128 na CBCP plenary assembly bukas.
Bagamat zero security threats na na-monitor ang nakatutok na state forces subalit walang pagbaba ng kumpiyansa hanggang sa makabalik na ligtas ang lahat ng top Catholic officials sa kani-kanilang mga lugar na pinagmulan.