CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng patung-patong na kasong kriminal at administratibo ng Department of Migrant Workers laban sa isang recruitment agency and consultancy na nakabase sa Poblacion,Initao,Misamis Oriental.
Ito ang pagsalaysay ni Department of Migrant Workers (DMW) Assistant Secretary Francis Ron de Guzman na nanguna pagpatupad ng closure order laban sa Jonieza Joy Travel and Tours Agency & Consultancy dahil sa ilang mga nalabag na batas ng bansa.
Sinabi sa Bombo Radyo ni De Guzman na nag-ugat ang pagpasara sa travel agency dahil sa ilang mga reklamo ng mismong mga nahikayat na mga trabahante na pinangakuan ng trabaho subalit pagdating sa bansang Poland,Lithuania, Romania, Croatia, Malta, Greece, Canada, UK, Dubai at Saudi Arabia subalit hindi nagkatoo.
Ito ang dahilan na kumilos ang mga tauhan ni DMW 10 regional director Atty. Fidel Macauyag na magsagawa ng malaliman na imbestigasyon batay sa mga impormasyon na ibinato ng kanilang central office patungkol sa nabanggit na travel agency.
Natuklasan ng imbestigasyon na nakabase umano sa Poland ang may-ari at mga tauhan lang nila ang nag-operate sa Pilipinas subalit hindi kumbinsido rito ang mga otoridad.
Kaugnay nito,kasong illegal recruitment committed by a syndicate na may parusang life imprisonment at multang Php 2M hanggang Php 5M ang kaharapin ng mga taong nasa likod ng gawaing sindikato.