CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang balut vendor habang sugatan naman ang backride nito matapos makabanggaan sa minamanehong motorsiklo ang isang Mitsubishi Bus truck sa Damilag, Manolo Fortich, Bukidnon.

Kinilala ang biktimang namatay na si Antonio Baflor, 54, at ang sugatan naman ay si Mike Baflor, 24-anyos isang PWD na residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Manolo Municipal Police Station Commander Major Noel Cano na biglang lumusot ang motorsiklo na nagresulta sa madugong aksidente.

Ayon kay Cano hindi na sinampahan ng kaso ang truck driver na si Joel Asa matapos magkaroon ng amicable settlement sa kampo ng mga biktima.