CAGAYAN DE ORO CITY (update) – Makakalaya na ang truck driver na nakasagasa ng apat na biktima sa kanto ng Vamenta, Brgy. Carmen, lungsod ng Cagayan de Oro, kahapon.

Sinabi ni SPO1 Bernard Delute,traffic investigator ng Carmen Police Station – 4, na daan sa areglo ang kasong kinasasangkutan ng truck driver na kinilalang si Richard Ombreso laban sa tatlong biktimang kanyang nabundol.

Inihayag umano ng amo ni Ombreso na nakahanda silang magbibigay ng tig-P200,000 o halos P1-M para sa pamilyang namatayan oras na mapasakamay nila ang affidavit of dessistance.

Una rito, tumilapon at nadaganan ng truck ang motor siklo na sinakyan ng mga napatay na biktima malapit sa isang underconstruction road sa nasabing barangay.

Kinilala ang mga nasawai na sina Joseph Niko Obensa, magtiyuhing Reynante at Jason Operario na pawang residente ng Brgy. Kauswagan.

Ang pang-apat na biktima ay ligtas na sa malubhang kondisyon at kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.