Pinaram ng Malacañang ang mga akusasyon na si Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang nasa likod ng impeachment proceeding na kinakaharap ni Bise Presidente Sara Duterte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ipinaliwanag nito na walang pakialam ang Ehekutibo dahil sa ipinatutupad na separation of powers sa gobyerno.
Binigyang-diin ng opisyal na kinakailangang harapin ng Bise Presidente ang mga akusasyon at magpakita ng matibay na ebidensya upang mapatunayan ang kanyang kalinisan sa tungkulin.
Hamon ngayon ng Palasyo sa mga tagasuporta na ipaubaya sa pormal na proseso sa Kongreso ang pagpapairal sa kaso.











