Hiningi ng labor group na SENTRO sa Department of Labor and Employment na baguhin ang sistema ng TUPAD program upang magbigay ng permanenteng trabaho sa mga mamamayang walang kabuhayan.

Ipinaliwanag ng Secretary General na si Joshua Mata na imbes na gamitin lamang ang pondo para sa emergency employment, mas mabuting ipatupad ang Public Employment Program na nagbibigay ng guaranteed jobs tulad sa ibang bansa.

Naniniwala ang grupo na nararapat gamitin ang malaking pondo ng TUPAD sa mga trabahong nag-aalaga sa kalikasan at care work para sa mga nakatatanda at PWD.

Kaya naman ang panawagan ng pangkat, kinakailangang ang gobyerno mismo ang mag-empleyo sa taumbayan dahil hindi lahat ng batayang serbisyo ay papasukan ng pribadong sektor.