CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak umano ng Turkish government na hindi pababayaan ang sinumang nationalities na nadamay sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Izmir City,Turkey.(Tur-Kee)

Pictures from the original owners

Ito ang natanggap na impormasyon ni Philippine Ambassador to Turkey Raul Hernandez na personal na tumungo sa quake site upang alamin kung mayroong Pinoy workers na nadamay nang yumanig ang sobrang lakas na lindol nasabing syudad noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Hernandez na sa halos 20 old high rise buildings na pinadapa ng lindol ay nanatili na walang kahit isang Pinoy ang nasugatan o nasawi sa nasabing pangyayari.

Inihayag ng opisyal na tiniyak umano ni Turkish President Recep Tayyip Erdoğan na hindi lamang para sa kanilang mga kababayan bagkus ay maging sa ibang nationalities ang ipaabot na tulong ng gobyerno dahil sa trahedya.

Bagamat napawi ang pangamba ng Philippine government dahil sa higit 60 na kompirmadong nasawi at ilang daan na sugatan ay walang mga Pinoy subalit naka-monitor ang embahada ng Pilipinas sa itatakbo pa ng pangyayari.

Si Philippine Ambassador to Turkey Raul Hernandez

Magugunitang accounted lahat ang mga Pinoy sa Izmir City na karamihan ay mga kasambahay ang trabaho nang mag-ocular inspection ang team ni Hernandez noong nakaraang linggo.