Nawaunawaan ng Technical Working Group mula sa academe ang pagtaas ng kilay at pangamba ng ilang sektor na baka ikalugi ng lungsod ang hinihiling na 8.5 bilyong pisong loan para sa bagong City Government Complex.

Ipinahayag ni Technical Working Group Head Prof. Jestoni Babia na ipinakita sa isinagawang pag-aaral na may sapat na kakayahan ang lungsod sa pagbabayad dahil umabot sa 12 bilyong piso ang borrowing capacity ng lokal na pamahalaan ngayong taon.

Nilinaw ng opisyal na ibinawas na sa isinagawang pagkukuwenta ang lahat ng kasalukuyang bayarin at utang ng lungsod bago isinagawa ang stress test gamit ang mas mataas na walong porsyentong interes.

Dagdag pa ni Babia, kahit pa sa gitna ng posibleng krisis o kalamidad, ipinakita ng resulta na pasok pa rin sa hinihiling na 8.5 bilyong piso ang pinansyal na kakayahan ng Cagayan de Oro.