CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang umanoy intelligence ng Philippine Army matapos mahuli sa drug buy-bust operation sa Purok 14 Pala-o, Iligan City.

Kinilala ang suspek na si Ricky Quilantang, 38-anyos na residente sa Brgy Tubod sa naturang siyudad.

Sinabi ni Iligan City Police Station 5 commander Major Allan Abalde na umabot sa halos dalawang buwan ang ginawang monitoring bago naging matagumpay ang kanilang operasyon.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang tinatayang P136,000 ng pinaniniwalaang shabu at ang i.d nito ng Barangay Intelligence Network ng Philippine Army.