Nagbahagi ng isang toast si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga embahador mula sa iba’t ibang bansa, sa pangunguna ng Papal Nuncio na si Charles John Brown, sa ginanap na “Vin d’honneur” o “Wine of Honor” na ginanap sa Ceremonial Hall ng Palasyo ng Malacañang ngayong araw, Enero 16, 2026.
Ang “Vin d’honneur” ay isang diplomatikong pagtitipon na ginaganap tuwing Araw ng Bagong Taon at Araw ng Kalayaan, kung saan nagpapalitan ng toast ang Pangulo ng Pilipinas at ang Papal Nuncio, na siyang Dean ng Diplomatic Corps













