Umaasa si dating Mayor Oscar Moreno na mamumulat na si Presidente Ferdinand Marcos Jr. na itama ang pamamahala sa pondo ng bansa.

Ayon sa dating opisyal, ang mga naturang paglabag sa budget process ang pangunahing pinagmumulan ng malawak na korapsyon tulad ng mga ghost projects.

Idinagdag din ni Moreno na ang ganitong katiwalian ang nagpapahina sa ekonomiya at nagpapahirap sa kalagayan ng mamamayan.

Dahil dito, hinimok ng dating alkalde ang gobyerno na igalang ang desisyon ng Korte Suprema at wakasan na ang mga abusadong paggastos.