CAGAYAN DE ORO CITY – Kinondina ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang mga namumuo ng Philippine Military Academy sa Baguio City matapos lumabas sa otopsy report ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio na itoy namatay sa hazing at kunuryente ang private parts ng kanyang katawan.

Kinalampag ng mambabatas ang sistema at kulturang pinapatupad ng PMA lalo na’t may muling may naitalang kaso ng pagkamatay ng kadete dahil sa hazing ngayong taon.

Dahil dito, hinamon ni Rodriguez si PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista na magresign bilang delicadeza.

Aniya, pangungunahan niya ang isasagawang congressional probe sa pagkamatay sa 20 taong gulang at Cagay-anon Cadet.

Ikinatuwa naman ng mambabatas ang development ng imbestigasyon lalo na’t may mga classmate ni Dormitorio ang tatayong saksi sa kung paano napuruhan ang nasabing kadete.

Nagdadalamhati ang pamilya, mga kaanak, kaibigan at maging ang dating kamag-aral ni Dormitorio sa kanyang burol sa Cosmopolitan Funeral Parlor, lungsod ng Cagayan de Oro.

Kabilang sa mga nagbigay simpatiya ay sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na malapit na kaanak ng kanyang ina.

Nagpadala rin ng bulaklak si Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana.

Inaasahang bibisitahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng kadete.

Samantala, wala pang naipapalabas na pinal na araw ang pamilya kung kailan ililibing ang kanilang anak.

UPDATE| Congressional Probe sa pagkamatay ng kadete ng PMA, sisimulan ngayong Lunes