CAGAYAN DE ORO CITY– Bumuhos ang pakikiramay sa pamilyang Dormitorio sa huling gabi ng lamay ni PMA cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Kahit hindi mga kaanak ni Dormitorio ay pumunta sa kanyang lamay sa Cosmopolitan Funeral Homes aron ipaabot ang kanilang simpatiya sa sinapit nito.

Dumating rin dito sa Cagayan de Oro kaninang hapon ang mga relatives at kaibigan ng pamilyang Dormitorio mula sa Bukidnon at Lanao del Sur.

Inaasahan din ang pag-attend nila ni Cong. Rufus Rodriguez, Mayor Oscar Moreno at Misamis Oriental Gov. Bambi Emano sa last vigil mamayang gabi.

May isinigawa ring solidarity prayer ang mga mag-aaral at opisyal ng Xavier University kung saan kanilang hilingin ang mabilisang pagbigay hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio dahil sa umanoy hazing sa loob ng akademya.

Ilibing bukas ng tanghali ang mga labi ni Darwin sa Oro Memorial Gardens.