CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ng ilang Philippine legislators ang alyadong bansa na Estados Unidos na pairalin ang mutual courtesy sa kanilang mga hakbang tungo sa ibang bansa.
Ito ay matapos nagpasa ng batas ang US senate na napirmahan ni President Donald Trump na pagbawalan na makapasok ang ilang Philippine government officials partikular ang umano’y nanggigipit kay detained Sen Leila de Lima dahil sa kinaharap na drugs cases.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na isa ring abogado na hindi maaring basta-basta na lamang diktahan ng Amerika ang isang malaya na bansa katulad ng Pilipinas na mayroong mga batas na sinusunod.
Inihayag ni Rodriguez na hindi man katanggap-tanggap ang ginawa ng limang US senators subalit nararapat na dapat aralin ito ng Amerika kung kailan ba na ipatupad laban sa Pilipinas.
Magugunitang sinang-ayunan rin ng kongresista ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ban sa dalawang US senators.