CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ngayon ng isang technology expert ang gobyerno ng Pilipinas na maglaan ng sapat na pondo at lagyan ng mga dalubhasa ng cyber security kung nais nitong hindi malagay sa alanganin ang buong sistema na makakaapekto sa lahat ng mga tao.

Ito ang mungkahi ni dating Microsoft Software Technical consulant Engr Raven Duran kaugnay sa tinaguriang ‘state sponsored attack’ na pagkakuha ng mga mahalagang mga impormasyon sa maraming federal goverment offices at malalaking mga kompanya na nakabase sa makapangyarihang bansa na Estados Unidos.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag nito na kailangang kikilos ang gobyerno upang maidepensa kahit papaano ang cassified informations ng bansa na malamang na nanakaw na ng grupo na nasa likod ng malaking cyber attacks sa Amerika sa loob ng taong ito.

Inihayag ni Duran na nakapa-peligro ang epekto nito sa Pilipinas dahil kahit ordinaryong tao ay maaring gagamitin upang ilagay ito sa mas magulo na sitwasyon.

Si Microsoft Software Technical consulant Engr Raven Duran

Bagamat animado ang tech expert na ito na sobrang mahina pa ang cyber security defense ng Pilipinas kumpara sa ibang bahagi ng mundo subalit hindi pa naman huli ang lahat upang mag-invest ang gobyerno para sa pangkalahatan na seguridad ng kanyang sariling mamamayan.