CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat naiurong mamahayang hapon ang vaccination launching ng Department of Health gamit ang mga bakuna ng kompanyang Sinovac subalit hindi na nagpaawat ang medical healthcare at non-health care workers ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na magpaturok kontra impeksyon na dala ng COVID-19 dito sa Cagayan de Oro City kaninang umaga.
Ito ay matapos unang sumalang upang magturukan ang isa sa mga certified public accountant ng NMMC na si Domingo Gubalane kung saan naghalo umano ang kanyang pananabik at nerbyos bago maturukan ng unang dose ng bakuna.
Agad ito sinundan ng mga doktor na sina Corazon Mata ng OB-Gynecology Department at Bernard Rocha na siya naman liason officer ng hospital ang pagpapaturok ng bakuna.
Inihayag ni Mata na sinamantala nito ang pagkakataon maturukan dahil may kakayahan ang Sinovac na pigilin ang malubha na virus infection na dala sa COVID-19.
Sa panig naman ni Rocha na mamayang hapon pa sana naka-schedule turukan ay wala umanong naidulot na anumang sakit bagkus ay magdagdag proteksyon ang ipinasok na bakuna sa katawan ng tao.
Inihayag ni Rocha na isasagawa sana ang pormal na vaccination ceremony sa loob ng NMMC kaninang umaga subalit ini-urong ito bandang hapon dahil pipilitin na personal makadalo si Secretary Francisco Duque III ng DoH na kabilang sa cabinet members na sumama ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta dito sa syudad nitong araw.
Magugunitang nasa 1,820 na ang mga personahe ng NMMC na nais mag-avail ng unang dose ng bakuna matapos itong dumating sa rehiyon kahapon mula sa Metro Manila.
Inaasahan naman na masisimulan ang vaccination rollout sa natitirang 14 na ospital na kinabilangan ng publiko at pribado sa araw na Sabado na kabilang sa binigyang alokasyon ng national government na umaabot sa 17,400 doses ng bakuna ng Sinovac.