CAGAYAN DE ORO CITY – Walang nababago bagkus ay nanatili ang paninindigan ng Vatican na nagsusulong para mapayapa at matisaway na pag-resolba ukol sa isyu ng West Philippine Sea kung saan nagkasubukan ng pasensya ang kapwa pamahalaan ng Pilipinas at China.

Kasunod ito sa naranasan na pagkabagabag ng mga obispong Katoliko ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) patungkol sa mas uminit na agawan ng teritoryo gamit ang magkasalungat na basehan.

Sinabi ni CBCP President at Caloocan City Archbishop Pablo David,D.D na matagal nang taga-suporta ang liderato ng Vaticano sa mga isinusulong na interes ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ginamit ng Pilipinas para makuha ang legal claim laban sa Tsina.

Ayon sa arsobispo na kinatigan ng Simbahang Katolika ang UNCLOS dahil pinaboran nito ang territory claimants na mga bansa na mayroong matibay na pinanghahawakan ng mga batayan o ebedensiya katulad ng Pilipinas.

Magugunitang laging bukas nag simbahan sa mga pagtitipon o dayalogo upang mahimay at mapakalma ang mga mainit na usapin bago makabuo ng pang-matagal na solusyon.

Napag-alaman na unang iniulat ng Philippine government na bahagyang humupa ang tensyon sa loob ng West Philippine Sea dahil pansamatalang ipinapatupad ng Pilipinas at China ang Pinas para sa rotation and reprovisioning mission sa shoal (RORE) kaya narating ang BRP Shiera Madre vessel na walang pisikal na komprontasyon.