CAGAYAN DE ORO CITY-Sabik si Vice Presidential Aspirant Bro. Wilson Amad na makatunggali sa isang debate si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Itoy matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang korte suprema sa pagdeklara sa kanya na nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagtakbo bilang Pangalawang Pangulo.

Sinabi ni Amad na gusto niyang itanong sa presidential daughter ang mapait na kalagayan ng bansa na maraming naghihirap na mga Pilipino at ang maraming pang-aabuso sa karapatang pantao mula ng pamunuan ni Presidente Rodrigo Duterte ang Pilipinas.

Aniya, kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon na maupo sa pwesto, tututukan niya ang laganap na kurapsyon na tinuturong naglalagay sa sambayanan sa kahirapan.