CAGAYAN DE ORO CITY- Muling pinanindigan ni Institute For Political and Electoral Reform Executive Director Ramon Casiple na hindi ‘political trap’ ang katungkulan na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang drug czar sa bansa.
Ito ang reaksyon ni Casiple matapos binanggit ni Duterte na wala pala siyang tiwala sa personalidad ni Robredo subalit itinalaga ng co-chairman ng inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD) noong Oktubre 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Casiple na hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong taga-oposisyon na binigyang katungkulan ng isang upo na pangulo dahil nangyari na ito sa panahon noon ni dating Pangulong Fidel Ramos at former President Benigno’ Noynoy ‘Aquino.
Sinabi ni Casiple na kung gagawin lamang ni Robredo ang kanyang trabaho na inaatas sa kanya,tiyak na walang puwang ang lumutang na political trap na ipinalutang ng ibang kampo.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi nito pinayagan si Robredo na makakuha ng kopya sa state secrets mula sa law enforcements dahil sa kakulang ng kanyang tiwala rito.