CAGAYAN DE ORO CITY – Magkasabay umano na tatakbo bilang mga kandidato pagka-senador ang tatlong mga Duterte sa darating na 2025 midterm elections sa bansa.

Mismo si Vice President Sara Duterte ang nagbigay kompirmasyon nito nang hinarap nito ang local media pagkatapos dumala sa isang aktibidad alinsunod sa PRIDE MONTH celebaration na isinagawa ng hotel ng Cagayan de Oro City kaninang umaga.

Tinukoy ng bise-presidente na maaring sasabak ng senatorial elections ang kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at magkapatid na lalaki nito na sina Davao City 1st District Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Bagamat binanggit ito ng bise-presidente subalit hindi pa nagbigay ng sariling mga pahayag ang tatlong lalaking Duterte patungkol sa usapin.

Magugunitang inaasahan na tatayo ng malaking puwersa ng oposisyon ang pamilyang Duterte laban sa Marcoses matapos lumisan si VP Sara sa gabinete ni President Bongbong Marcos bilang kalihim ng Department of Education.