CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si Vice President Sara Duterte na nanatiling mabuti ang pagkakaibigan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y sa kabila pa nang pag-iwan ng bise-presidente sa gabinete ni Marcos matapos naghain ng resignation letter bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) noong nakaraang linggo.

Sa pagdalaw ni VP Sara sa Cagayan de Oro City, sinabi nito na wala namang anumang indikasyon na tuluyan nang naputol ang mabuting samahan nila ng pangulo kahit dumistansya na ito sa administrasyon.

Una nang nagsama ang Sara-BBM tandem sa 2022 elections dahilan nabuo ang UNITEAM at kapwa nabigyang pagkakataon na hawakan ang pagsilbing pangulo at bise-presidente ng bansa.

Subalit hindi pa man natapos ang kanilang tig-anim na taon na termino ay bumulusok na ang kanilang samahang-politikal at inaasahan pa na magkatapatan sa 2025 at 2028 elections.