Nagpayo ang Health Office sa Northern Mindanao na manatili muna sa bahay ang publiko upang maiwasan ang masamang epekto ng haze.
Ipinaliwanag ni Dr. Sugapong na dapat magsuot ng N95 o surgical mask, o gumamit ng basang panyo kung kinakailangang lumabas.
Pinayuhan din ang publiko na isara ang mga bintana at iwasan ang matagal na pananatili sa labas.
Lalo na ang mga bata, matatanda, at buntis na mas madaling maapektuhan ng polusyon sa hangin.
Inirekomenda rin ang pag-inom ng maraming tubig upang mapanatiling malusog ang katawan. Dagdag pa niya, agarang magtungo sa ospital kung lalala ang hirap sa paghinga.
Binanggit ng Health Office na ang pagsunod sa mga payo ay makakatulong upang maiwasan ang komplikasyon sa kalusugan.
Iginiit ni Dr. Sugapong na ang pag-iingat ay susi sa kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng haze.











